"Ang mga KAIBIGAN ay parang mga prutas. May dalawang klase yan ang SEASONAL at FOR ALL SEASONS."
Mga baliw kong kaibigan :) |
Minsan sa buhay namin magkakaibigan ang magkakitaan :) .. Seryoso! Kung hindi biglaan ang lakad eh hindi na matutuloy ang mga gala. Haahahhaha .. (Yan tayo eh! ). Kaya mas mabuti pang mag-aya ka ng biglaan. Atleast sureball yon! sasama yang mga yan (pero depende pa rin sa trip ng gusto sumama).
Last August 8, 2015, nagpunta kami sa Tagaytay kung saan biglaan lang din kami nayaya. All boys ang lakad nito pero napasama ng hindi sa oras. Masaya naman kasi nakasama ko ulit sila at nagkaroon ng panibagong memories (naks, ang drama.. hahahha). Umalis kami ng 8am pero ang kitaan ay 7am (Pilipino nga naman).
Mga trip sa loob ng van :p |
Hindi maiiwasan talaga ang selfie san ka man magpunta. Hanggang van, mga SELFIE LORDS. hahahah. Ilan lang yan mga pictures namin on the way to Tagaytay. Karamihan sa kanila (halos lahat pala) ay walang mga tulog, kaya mga basag. :)
Ngiting tagumpay :) |
Front liner - Jugs :D |
"People don't take trips. . . trips take people."
- John Steinbeck
May mga pagkakataon talaga na kahit may mga kaibigan kang sira, makulit, lakas ng trip, o kung ano pang merong ugali sila, mararamdaman mong mas masaya silang kasama. Walag badvibes, lagi kang tatawa. Kahit alam mong punung-puno ng kadramahan ang buhay mo. Hindi sasagip sa isip mo ang problema. Hindi ka makakaramdam ng lungkot. Hayst, kaya nga "Friendship na lang ang may FOREVER!" hahahhaha hugot! :)
Kaya okay lang mawala sa akin ang taong minsan kong minahal. Huwag lang ang mga kaibigan kong ABNORMAL. :)
(Oh teka, nakarating na pala kami sa paroroonan) ....
TOUCHDOWN TAGAYTAY! |
Smile Gie! SMILE! :) |
I'm the Queen of Selfies hahahha |
Libot - libot hanggang saan-saan na napapadpad..
Walang makakapigil! hahahha |
Meet Pabebe Girls .. hahaha
Road Selfie :D |
At Jestra Heights, sa totoo lang napadaan lang kami jan at naki-selfie sa harap ng guardhouse. hahahahha ..
Hindi mapapantayan ang isang libong ngiti pag kasama ko sila. Hahahahha .. Pag kasama ko sila ginagawa ko lang yung natural, harutan, kwentuhan, bolahan, lambingan, pero pag tinititigan ko sila ng di nila alam, naiisip ko: "'tong mga baliw na 'to ang dahilan kung bakit napakasaya ng mundo ko." hahahaha .. (Medyo baliw) ..
Okay, balik na sa bahay... hahahah .. after maglakad lakad sa kung saan-saan. Nagprepare na kami for lunch .. nag ihaw sila ng isda at nagluto ng ulam..
Expert sa pagiihaw - Kevin Laron :D Expert sa pagluto ng ulam - Iris Jilian :) |
Ang paghahanap ng Dahon ng Saging .. Bow! :)
Kahit saan talaga mapadpad, hindi maiiwasan ang trip .. ayan hanggang sa paghahanap ng dahon ng saging kung anu-ano ginawa sa munting taniman sa likod.. hahahahha
Pagkatapos ng pagluluto.. oras na para ihain ang foods .. yeah!! magsisilabasan na naman ang mga Varsity .. hahahah
KAINAN NA !!! :)
Ang sarap ng feeling 'pag salu-salo kayong kumakain, andyan yung agawan sa ulam .. mga matatakaw sa kanin .. ang kalat kapag kumakain .. hahahhaha .. mga kaibigan mo nga naman .. :)
Hindi mapapantayan ang kaligayahan kapag salu-salo sa hapag-kainan .. kahit magkakaiba kayo ng paninindigan .. kapag nasa harap mo na sila .. komportable silang kasama .. kahit naka-kamay ka lang habang kumakain .. kung humigop ng sabaw akala mo pati bowl hihigupin mo na rin .. may mga akala mo hindi mauubusan ng ulam nagtatago pa sa ilalim ng kanin .. makikita mong mga totoong tao kayo kung hindi kayo nagpapakita ng kahihiyan sa bawat isa .. hahahhaha .. o sadyang gnyan talaga kayo? :D
HALA! anong nangyari? hahahhaha napadaan lang ata yung pagkain .. hahahah ngayon alam nyo na paano kami magsikain ng sabay sabay.. halos wala nang natira .. pati yung dahon ng saging .. konti na lang gagawing panghimagas na rin .. :D
Ganoon pa man, kahit gaano kabalahura sila minsan .. hindi mo maipagkakaila ang mga pagkaisip bata nila .. hahahaha..
Nagkaroon ng fog habang kami ay nag jajam sa verranda ng bahay .. Hindi naiwasan ang pagkaamazed ng mga loko hahahaha sabagay first time kasi naming makakita at makaramdam ng fog .. kaya ayan kami . tuwang tuwa ... dinaig pa ang gradeschool sa sobrang amazed hahahhaha..
Batang nakawala :D |
SELFIE SA FOG :)
=============================================================================================
Hindi nagtatapos ang paglalakbay ng barkada .. after kumain .. diretso naman sa Nasugbu, Batangas!
BEACH HERE WE COME!
Through infinity and beyond :) |
Nakarating kami ng Batangas palubog na ang araw, kaya etong mga kaibigan sinulit ang ganda ng view sa tabi ng dagat. (Selfie lord na naman -_-) .. Hindi rin maiiwasan ang konting katuwaan kaya ayan kung anu-ano pinaggagawa sa buhay .. hahahhaha
Kuya Jun Gravy! |
Meet the KJG - Ang mga lalaking #GGSS (Gwapong-gwapo Sa Sarili) hahahha .. Muntanga sa unang tingin .. ngunit gwapo pa rin (Shocks na-buildup ko sila) .. Sila ang mga kaibigan kong saksakan ng hangin! ... ANG TIYAN .... hahahhahah .. macho pero medyo bastos .. ooopppsss .. joke :p
Hindi ko pinagsisihan bakit ako napasama sa kanila .. hahahah .. sabi nila piliin ang magiging kaibigan .. at huwag sumama sa B.I. bakit ako andyan, kasama sila, simple lang ... Kapag sila talaga ang kausap mo, hindi kayo nauubusan ng kwento. Hindi nadadaan sa kwento ang malalim na pinagsamahan. Hindi madadaan sa biro ang tatag ng samahan .. Oo puro sila kalokohan, pero sa oras ng pangangailangan never silang tumanggi .. on the rescue agad .. :)
Bukod tanging makakaintindi sa kanila ay yung mga taong may malawak na pag-iisip. 'Yung tipong tanggap sila kahit may iba-iba silang ugali at never i-dodown kung sakali mang may mga pagkakamali mang ginawa.
"Marami ng nangyari sa buhay ko. May masaya, may malungkot, may madali, may mahirap. Pero sa bawat pangyayari sa buhay ko wala akong pinagsisihan dahil lagi akong may natutunan, ' yun nga lang puro kalokohan. :) (joke)
Just Lovin' the BEACH!
me and Edgielyn .. VEH <3 |
KJG :) |
Hays .. ang sarap magbakasyon .. lalo na kung probinsya ang pupuntahan niyo. 'Yung tahimik, maaliwalas, iwas stress, walang gulo .. Mas lalong sasaya 'pag kasama ang tropa .. Sulit ang bakasyon! Kaya sa paglalakbay namin na ito, magkaroon pa sana ng maraming beses na makakasama ko sila at sa mga lugar na gusto pa naming puntahan ..
Hanggang sa muli kaibigan .. Thanks for reading :) Sana natuwa kayo .. Sa uulitin! :)
=============================================================================================
Bago umuwi:
PASALUBONG :)
VEH VEH .. |
PS: WALANG MAKAKAPIGIL .. hahahahahha